Failures and Frustrations
Last night I had a conversation with mum regarding financial expenses and all. It was light enough, however the seriousness brought about the heavy and sad feeling.
I’d love to help out, and I give out my regular share in the household expenses. However, I will stand by my budget because I wouldn’t want to be a burden to my family.
I know that things will get better. We have a lot to be thankful for, and I am eternally grateful with that. It may sound like I’m pushing my luck, but we’ve no one to turn to for help with my mum’s probs. *SIGH* Heaven Help Us.
***** ***** ***** *****
I got this forwarded email from a dear former co-worker. Somehow it struck a nerve. To sum it up, the email’s essence is reminding us to go back to the basics. As we get older, our lives become way too complicated that we fail to see the simple things in life that brought us joy and contentment.
Read on.
Gising, frend.
Tumatanda ka na, frend.
Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate ka nasa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay nalagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon.
Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!"
Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na angcabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginkobiloba.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw naliempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mgakasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon.Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo.
Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka.
Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebentaka sa iba pag nakatalikod ka.
Ang hirap nang magtiwala.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina.
Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder."
Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan.
Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ngMidnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit cardmo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo.
Masaya ka na noon pag nakakapag-ober- da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rinmakuntento.
Saan ka ba papunta? frend, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix.
Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito.
Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulitlang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo.
Balikan mo sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo. ***
I enjoyed my days of youth and young adulthood. Life is indeed mysterious as it reveals the truths when you age and cannot do anything to avoid it.
***** ***** ***** *****
Music: Wishful Thinking
Artist: Duncan Sheik


orange7624.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading orange7624.blogspot.com every day.
paydayloans
payday loan
» Post a Comment