Ang Malagim na Nakaraan
Masaya akong lubos na natapos na ang napakapangit na nakaranag linggo.
Nagsimula ito nung Lunes ng dumating ang panibagong bagyo. Nagpahayag ng paglisan sa kanyang kasalukuyang trabaho ang isang kaibigan ko. Nakalulungkot mang isipin, hindi ko maaaring pigilan ang isang taong husto na ang pagpasyang umalis.
Sumunod ay ang pagpahayag ng aming nakatataas ng amo sa sawim-palad na pagbabawas ng ilang tao sa opisina upang makatipid sa gastusin. Ito ay nag-udyok sa maraming tao na magmuni-muni at harapin ang maaaring malamlam na kinabukasan.
Ako naman ay matagal na ring nagbabalak na bumalik sa aking nakasanayang trabaho at higit sa lahat, mas malaking sahod. Ngunit habang hindi pa dumating ang pagkakataong makalipat, ako ay nangako sa aking sarili na gagampanan ko ang aking tungkulin ng buong puso't katapatan.
Sa ngayon, hindi pa rin tapos ang nagbabadyang kulimlim sa buhay namin sa trabaho. Ating abangan ang mga darating na araw sa magiging kaganapan.
***** ***** ***** *****
Awit: Pangarap Ko Ang Ibigin Ka
Mangaawit: Regine Velasquez

» Post a Comment